Monday, June 1, 2009

Mga Pangunahing Lutuin para sa Pamilya

Mahalaga sa atin ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya, kaya naman hindi dapat tayo dapat basta basta naghahanda ng pagkain para sa kanila. Isipin muna natin mabuti kung ano ang makakabuti sa ating kalusugan. Tulad na lang kung may sakit o may nangangalangan ng masmasustansyang pagkain na tutugma sa kanyang kalusugan.

Nandito ang maaari lutuin para sa inyong pamilya.


*****Tinolang Manok*****










image from all FavoriteRecipe.com

Mga Sangkap:

1 kg. manok (hiwain sa maliit na piraso)
dahon ng sili
1 pc.papaya (hilaw, hiwain sa maliliit na piraso)
4 pcs. sili panigang
1 pc. luya (hiwain sa maliliit na piraso)
1 pc. bawang (dikdikin)
1 pc. sibuyas (hiwain sa maliliit na piraso)
mantika
vetsin

Paraan ng Pagluluto:

1. Hugasan muna ng mabuti ang mga sankap na gagamitin (manok, dahon ng sili, papaya).

2. Sa isang malinis na lutuan, painitan ang mantika. Unahing igisa ang luya, golden
brown dapat ang kulay bago isunod ang bawang at sibuyas.

3. Pagkatapos, isunod ang manok ( halu- haluin para kumapit ng ang lasa ng luya, bawang,
sibuyas para hindi lumansa ang manok). Lagyan ng patis o kaya asin para sa
pampalasa sa manok. Takpan muna ng 5 minuto.

4. Ihalo ang papaya at takpan ulit. Iwan muna ito ng 10 - 20 minuto para maluto ang
papaya at pakatasin. ( Huwag muna lagyan ng tubig pangsabaw dahil may sariling tubig
ang papaya. )

5. Pagmalambot na ang papaya, maaari ng dagdagan ang sabaw nito at ang dahon ng sili at
sili, dagdagan ang pampalasa hanggan makuha mo ang alat na tama sa pamilya mo ( asin
o patis) pakuluan na lang ng 3 minuto.

6. Ihanda sa pamilya na may kasamang kanin.

Sa pagluluto ng tinolang manok pwede rin tayong gumamit ng ss: dahon ng malunggay at
sayote. Siguraduhin nating malinis ang ating paglulutuan at malinis n kagamitan pati na rin ang
ating mga kamay dahil nakasalalay sa atin ang kalusugan ng bawat kakain nito.



*******Fish Lumpiang Shanghai********










image from allFavoriteRecipe.com

Mga Sangkap:

1/2 isda ( kahit anong uri basta malaman)
kinchay
3 pcs. med.size carrots
1 pc.med.size red bellpepper
1/2 lumpiang balat
1 buong bawang
1 buong sibuyas
2 itlog
oil
ketchup
salt
vetsin ( if you like)

Paraan ng Paggawa:

1. Linisin ng mabuti ang isda at alisin ang lamang loob. Lutuin ang isda ng 5 minuto. Palamigin at himay-himayin,alisin ang tinik at ulo. Itabi muna.

2. Balatan ang carrots at hiwain ng malilit hanggang maging pino,ganun din sa kinchay at red bellpepper,bawang at sibuyas.

3. Igisa ang bawang at sibuyas, isunod ang carrots, redbellpper, kinchay at hinimay na isda. Haluin hanggang totally mixed,lagyan ng asin at vetsin. Isalin sa 1 malinis na lalagyan at palamigin ng konti.

4. Batihin ang itlog at ihalo dito. Ang bawat balat ay pwedeng hatiin sa 2 bahagi.

5. Sa isang balat maglagay ng 1 tablespoon na isda at iayos ito sa position na paroll. Pagnatapos na ang lahat pwde na itong iprito sa mainit na mantika na may katamtamang apoy. Kailangan lubog sa ang shanghai para maluto ng pantay.

6. Ang mga naluto na maaaring ilagay muna sa plato na may nakalagay na tissue paper o dyaryo pwde rin para maabsorb nito ang mga excess na mantika.

7. Ihanda ito na may ketchup bilang sawsawan.


******Sinigang na Baboy*******

Mga Sangkap:

1 kg. baboy
2 pcs. katamtamang laki ng sibuyas
4-6 pcs. kamatis
okra
labanos
petchay
sitaw
talong
gabi
sili panigang
asin
tamarind
vetsin


Paraan ng Paggawa

1. Hugasan mabuti ang mga sangkap na gagamitin. Ang baboy ay maaaring hiwain
sa katamtamang bahagi para mabilis itong maluto. Ang mga gulay maaaring hiwain sa kanyang
bite size.

2. Pakuluan ang baboy kasabay ng sibuyas,kamatis at asin ng 15 minuto.

3. Ilagay ang gabi at takpan ulit ng 10 minuto. Idagdag ang labanos at takpan ulit.

4. Pagmalambot na ang baboy maaari nang ilagay ang mga gulay na okra,talong at sitaw. Takpan ng 5 minuto,pagkatapos idadag ang tamarind at haluin para maging pantay ang lasa ng pagkaasim nito.Ipatong ang petchay sa ibabaw ng sabaw at takpan. Pakuluan na lang ng 3 minuto at patayin.

5. Masarap din itong ihanda na may kasamang mainit na kanin.

Ang sinigang na baboy ay maaari ring lutuin na hindi kumpleto ang gulay na nakatala.
Ang asim ng tamarind ay naaayon sa inyong panlasa.